1. Inicio
  2. Abaddon
  3. Isang Buhay

Isang Buhay

Abaddon

Isang buhay na may pag ibig Sa bawat buhay ng tao'y mayro'ng pag ibig na nakahimlay At ang tanging dapat mo lang gawin sa aki'y sumabay Halika na't gisingin natin ang tulog mong diwa Ibaba mo ang armas at sandatang nakakahiwa Sa pagkakataong ito hari aking opinyon Layunin ko'y magkaisa lahat ng relihiyon Bilyon ang tao sa mundo kung ating tutuusin Bawat tao ay may buhay na pwede ring tubusin ng diyos Ano mang oras handa man o hindi Madadaig mo ba si kristo sa kanyang pagtitimpi Habang pasan ang krus at ipinakong walang laban Mahal ka ng diyos hindi mo lang 'to nalalaman Minsan sa ating buhay mayro'ng suliranin At hindi mo matanto kung sasapat ka ba o kukulangin Basta't mahalaga mayro'ng isang pag ibig Umaasang may gabay na nandiyan lang sa 'ting paligid dahil tayo'y may Isang buhay na may pag ibig 'yan ang kailangan ko Kailangan mo at ng buong mundo Isang buhay na may pag ibig 'yan ang kailangan ko Kailangan mo at ng buong mundo Ako'y nabuhay sa mundong hindi inabot ang ama At inasa ang lahat sa 'king nag iisang ina Ang mayakap sya't pasalamatan gusto ko pa sana Nang hindi hinahangad saki'y nakalaang pamana Ngunit ako ay naligaw kay haba na ng sungay Sa tuwing kakausapin niya ko mata ko'y mapungay Pinili kong daan iba sa karaniwang bata Impiyernong itinuri mas matindi pa yata Ang mapayapa at pangakong paraiso Ay 'di mo makakamtan kung nasa bulsa mo ay piso Limutin na lang ano man ang maibigan Kung wala kang pera walang tapat na kaibigan Masaklap man ang inabot ko katulad ba sa 'yo Istorya ko't maging sayo'y hindi naman nagkalayo Siguro nga pareho lang tayo ng naranasan Tuloy pa rin ang luha ilan beses man punasan dahil mayro'n kang Isang buhay na may pag ibig 'yan ang kailangan ko Kailangan mo at ng buong mundo Isang buhay na may pag ibig 'yan ang kailangan ko Kailangan mo at ng buong mundo Dumalaw sa mga kaibigan para matulungan sila Na maibsan ang kalungkutan sa kulungan 'Yan ang aking gawain dati kung alam niyo Sa piling ng mga kasama kong nakabilanggo Sa mga kasama kong nasa laya na may atraso Lihim na kung mamuhay at binilang na retaso At isang pilas ng papel na nilamukos Kasalanan ba nila kung ang galit biglang mabuhos At bakit ganon 'pag sinabing muslim ay matapang 'Pag sinabing taga capiz mangkukulam mambabarang 'Pag sinabing waray walang awa akong pumatay At 'pag sinabing pilipino alipin habang buhay Ako ay pilipino isa rin sa kinakapos Tanong ko lang sino ba yung tinatawag nilang diyos Siya ba 'yung nakasama mo sa madilim na eskinita At inakay ka sa may liwanag kahit 'di mo siya nakita Isang buhay na may pag ibig 'yan ang kailangan ko Kailangan mo at ng buong mundo Isang buhay na may pag ibig 'yan ang kailangan ko Kailangan mo at ng buong mundo Isang buhay na may pag ibig 'yan ang kailangan ko Kailangan mo at ng buong mundo Isang buhay na may pag ibig 'yan ang kailangan ko Kailangan mo at ng buong mundo

Compartir


※ Letrista

VENZON MALUBAY

https://onlyrics.co/es/abaddon/isang-buhay?lang=tl

Enviado el 17 de octubre de 2022 Por Anonymous

Comentarios

You need to be logged in to write a comment. Please login or register to continue.
Abaddon
Lo mejor de
Abaddon

Nombre Lanzamiento o Álbum

Katibayan

Fecha de Lanzamiento

6 de abril de 2015

Idioma

language Tagalog

Spotify

Escuchar en spotify

Palabras

Palabras más usadas en esta canción

buong 'pag walang 'yan lang sinabing hindi isang diyos ibig mayro'ng kong buhay kung kailangan mundo

Análisis

Análisis de la canción